Traktora, pinakikinabangan na

Traktora, pinakikinabangan na

Traktora, pinakikinabangan na

2.46K
0

PILAR, Bataan – Pinakikinabangan na ng mga magsasakang kasapi sa Pilar Organic Farmers Association Inc. (POFAI) ang 4-wheel tractor na ibinigay ng Office of the Municipal Agriculturist ng bayang ito, sa tulong ni Mayor Alice Pizarro at ng Department of Agriculture Regional Office 3.

Ayon kay Josephine Ciriaco, Farm Supervisor at Technician,  malaking tulong ito sa 21 magsasaka na may sinasakang 587 ektarya na pawang miyembro ng nasabing organisasyon sa pamumuno ng kanilang chairman na si Rafael John Paguio.

Sinabi pa ni Ciriaco na ang naturang traktora ay matagal nang hinihiling ng mga magsasaka kung kaya’t lubos ang kanilang pasasalamat na naibigay na ngayong taon dahil higit na kailangan nila ito ngayon.

Samantala dumating din noong ika-14 ng Hunyo ang isang Combine Harvester na (mas  kilalasa na 3 in 1) na tinatayang aabot sa halagang P2 milyon,  galing din sa Department of Agriculture Region-3.

Ang nasabing harvester ay napunta naman sa mga  magsasakang miyembro ng Magsaysay Irrigators Service Association Inc. na pinamumunuan ni Ceferino Sanchez. Ang asosasyon ay binubuo ng 380 magsasaka na aabot sa 587 ektarya ang lupang sinasaka.

Ipinahayag din ni Ciriaco na napananatili ng mga magsasaka sa bayan ng Pilar (Rice Granary ng Bataan) ang ani na 120 cavans per hectares kung dry season at kung wet season naman ay umaani ang bawat magsasaka  ng 100 cavans per hectare.

Idinugtong naman ni Julie Ann Dizon, OIC Office of the Municipal Agriculturist  na aabot sa 1,230.5 ektarya ang kabuuang lupain na binubungkal ng mga magsasaka sa Pilar kung saan ang 10 ektaryang ay natataniman lamang tuwing sumasapit ang rainy season o umaasa sa sahod ulan.

Facebook Comments