World class tourist destination, itatayo sa Bagac

World class tourist destination, itatayo sa Bagac

World class tourist destination, itatayo sa Bagac

1.49K
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isa na namang world class tourist destination ang itatayo sa Barangay Ibis, bayan ng Bagac.
Ito ay ang Woodland Hills Manor na nakaharap sa Manila Bay at sa likurang bahagi naman ay ang China Sea.
Dito itatayo ang Woodland hotel and Laisure at ang Woodland Adventure Park.
Ang Woodland Hotel ay three-storey building na may open court plaza, 57 guest rooms, 8 suit rooms at isang presidential suit. Mayroon din itong amenities gaya ng business center, function hall, game area, gym, restaurants, spa, viewing deck at pool.
Habang ang Woodland Mountain Adventure Park ay isang ecological park na pwedeng gawin na pwedeng pagdausan ng mga malalaking kumpitisyon ng iba’t ibang laro.
Samantala, ikinatuwa naman ni Bataan Governor Albert Garcia ang pagtatayo ng ganitong mga pang World Class na tourist destination dahil higit na makikilala ang lalawigan ng Bataan hindi lamang sa Central Luzon maging sa buong mundo dahil sa magagandang tanawin nito.

Facebook Comments