Zero incident laban sa paputok, inilatag na!

Zero incident laban sa paputok, inilatag na!

Zero incident laban sa paputok, inilatag na!

439
0

LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Inatasan na ni Bataan Police Director Sr. Supt. Marcelo Dayag ang mga hepe ng pulisya sa labing-isang bayan at isang lungsod na paigtingin pa ang pagmamatyag hinggil sa ipinagbawal na pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon  sa buong lalawigan.

Ito rin ang tagubilin ni Bataan Governor Albert Garcia sa isang pagpupulong ng mga opisyal ng lalawigan, na kailangan zero ang aksidente sa paggamit ng malalakas na paputok sa iba’t ibang panig ng ating lalawigan.

Kaugnay nito, mahigpit din ang tagubilin ni Police Director Dayag sa kanyang mga hepe na simulang bantayan ang ating mga kababayan at ipagbawal ang magpaputok kung saan saan at iyung indiscriminate firing bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi pa Col. Dayag na siya mismo kasama ang ilan niyang tauhan ang umikot sa mga estasyon ng pulisya sa lalawigan nitong nakaraang Pasko para tiyakin na matutupad ang nasabing tagubilin.

Bilang pagtalima, nagbigay ng direktiba ang mga hepe ng bawa’t istasyon sa lahat ng mga Punong Barangay na magtalaga ng fire cracker zone sa kani-kanilang nasasakupan kung saan maaaring ganapin ng ating mga kababayan ang fireworks display.

Mariin ding pinakiusapan ni Governor Garcia ang mamamayan na huwag na lang magpaputok para makaiwas sa disgrasya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments